TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hunyo 4, 2009

×"Put Ama"×





×Putang-ina! Saksakan ka ng tanga! Sigaw sa anak nitong batugang ama. Sinamahan pa ng tadyak, dugo sa ilong ay tumagak. Hindi pa nasiyahan. Inilublob pa sa banlat...
Malupit, malupit, masyadong malupit. Pag walang pera si ama. Ako ang hinahagupit. Ilang taon ko na itong tinitiis. Malapit na malapit na. Sagad buto na itong galit...
Ibibili ko siya ng maraming alak. Lalasingin at hihiluhin "to the max". Saka ko itatali para 'di maka-palag. Pagkakataon ko na, sa mukha n'ya'y tumadyak...
Gusto ko siya'ng dahan-dahang patayin. Bubunutan ng kuko, saka ko ipakakain. Daliri n'ya sa paa'y aking pipitpitin. At saka ko bubudburan ng maraming asin...
At kung ang galit ko sa kanya ay hindi pa maibsan. Mga kamay niyang brutal aking puputulan. Nang hindi na maka-suntok sa mukha kong duguan. Bubuhusan ko ng suka mga kamay niyang hibang...
Ewan ko ba? Ewan ko ba? Galit na galit na ako sa kanya. Pero mukhang hindi ko makakaya. Hindi ko kayang gawin aking nadarama. Kahit papaano mahal ko pa rin si ama.



:mula:- sa hinagpis ni Anding Bading



×××××ㄨ×××××




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento