TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hunyo 8, 2009

★The Island Buenavista★





★Muli kaming bumalik sa maliit na "island". "Birthday" ng marikit at malapit kong kaibigan. Kagaganda ng lugar, puting-puti ang buhanginan. Saan ka pa ba, eh ang linaw ng karagatan...
Pwede mong ikutan ng walang isang-oras. Maraming "driftwood" na pwedeng igayak. Uyy! Tumunog na ang "gong", hudyat na luto na, pagkaing masasarap. Tara na at tanghali nang tapat....
Pagkakain ay ligo, lumangoy o mag-"kayak". Mag-"snorkeling" kaya sa ilalim nitong dagat. O tumambay lang muna sa napaka-gandang "nipa hut". Para kang nananaginip sa ganda ng nilalasap...
Wala kang iisipin kundi ang mag-saya. Itabi na muna lungkot at problema. Damhin itong alay ng ligaya. Itong kalikasan nagyayabang ng ganda...

Pansinin, pagmasdan. Kakaibang-ganda nitong isla buenavista.

:mula:- sa sulok ng utak ni Tebo.


~~~★~~~




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento