TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 3, 2009

■"MA-♂-TON"■





■♂ Ako ang hari! Sino'ng matapang dito! Ga-rar-gar na sinambit nitong gagong lasenggo. Nagbabasag, nagwawala sa tindahang binibilhan ko. Tinamaan pa ako, nitong bubog sa ulo. At sa inis na nitong mga tao. Pinagtulungan namin. Hayun! Bug-bog sarado!..
May babaeng sumabat. Bakit daw binalibag. Asawa pala niya itong maton na hinayupak. Bakit 'di pa daw tinuluyan. Para tapos na ang lahat. Buti na lang may dumating na parak...
Kung hindi? Naku! Malamang tad-tad na yon ng saksak. Kaya, hayun, takbuhan kami. Parang walang naganap. Ang tindahan ni aling Lina. Hayun, warat-warat. Ang duguang maton, nakatulog sa sapak...



:mula:- sa kwento ni Jon Payat





China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento