TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Mayo 10, 2009

▲Manlalakbay▲




▲Matanda na ang edad, malakas pa rin kung maglakad. Milya-milya man ang layo. Ito'y kanyang natatahak. Wari'ng walang kapaguran. Kahit saan pa mapadpad...
Magaling din sya'ng gabay, tungo sa tuktok ng bundok. Malakas pang mag-buhat, matatag pa ang tuhod. Wala mang tsinelas, paa'y 'di napupud-pod. Mabato man o putikan, bale wala, tuloy ang lusob...
Bata pa lang daw ay ganito na siya. Kaya itong bundok ay kabisadong-kabisado n'ya., talampas o burol, o ang pinakamalalim na kweba pa. "Ito ang aking laruan." , sambit n'ya, sabay hinga...
Malaki na raw ang pinag-iba ng gubat. Bihira na ang ibon at hayop, na dati ay nagkalat. Ngayo'y kahit na pipit, bihira ng lumalabas. Pati mga punong matayog, matatag at mataas. Nagupo! Nabuhal! Bumagsak!...
Sabi n'ya'y marahil ganon talaga. "Malapit na ako, para magpahinga. Tulad nito'ng bundok, nababawasan ng ganda. Tulad ko rin, kakisigan ay lipas na."


▲▲△△◎△△▲▲






China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento