TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Mayo 10, 2009

↓↓"Sa Kweba"↓↓





"↓↓Sa kweba, naka-punta ka na ba? Sa kailalim-laliman nito'ng lupa kung baga. Kakaiba ano? Kakaiba! Sa pakiramdam ay naghahalo itong takot at kaba...
Iba rin ang amoy dahil sa tae ng paniki. Mapupula ang mga mata, doon sa kisame. Huwag kung saan-saan hahawak, baka kamay mo'y maipit. Sa madulas na matalas na pader nito'ng yungib...
Habang lumalalim, mahirap na'ng huminga. Kakapusin ka ng hangin, kailangang magpahinga. Tagaktak ang pawis sa paghugot ng hininga. Mapapatanong ka sa sarili. Ba't ako dito napunta?...
Naghahamon na naman ito'ng aking sarili. Tuloy ang lakad. Patindi-ng-patindi. Gusto ko lang malaman, makita ang silbi. Nito'ng kweba noon, sa panahong wala pa'ng mga bayani...
At sa wakas narating din ito'ng maluwang na kwarto. 'Di mo aakalain na may nakatira noon dito. Lalong isip ko'y tumakbo nang tumakbo. Dahi dito nagtira mga kauna-unahang pilipino...

↓↓↓⊙▲⊙↓↓↓






China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento