TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Mayo 10, 2009

◇"BULONG"◇





◇"Pssst. Hoy! Bangon! Makinig kang mabuti, meron ako'ng ibubulong. May.. ...t..ba. .ta..t..ta. Saka.. s.. na..na.. ..nag..p.. ..t. .."..ha..ha.. Bulong-ng-bulong para'ng aso'ng wala'ng ilong. Mabaho n'ya'ng hininga'y abot pa rin para'ng pugon. Nang-gising ka pa, nahihilo tuloy, para'ng gulong.Wala akong naintindihan sa mga salitang mong pabulong... Lulang-lula, panaginip nawala. Pinalitan ng imaheng, mukhang isda na bilasa. Sa tilos ng kanyang nguso. Parang gutom na palaka. Bulong pa ng bulong, parang baka'ng umuunga... Harinawa ay 'wag kayo'ng dumami. Higit na sa sampu, kayo'ng walang-silbi. Pagdating ay bubulong, sabay kwento, sabay sindi. Makiki-kain, makiki-inom. Mangungutang ng pambili...
Dumadalas, dumadalas. Nasasapian na ni Hudas. Isinama pa si Hetas pati na itong si Barabas. Sino pang dadagdag sa mga ulol, sa mga ungas.

≠ ≠ ≠ ≠ㄨㄨㄨ ≠ ≠ ≠ ≠






China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento