TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Mayo 12, 2009

ㄨ"Ang Magna"ㄨ




ㄨㄨAng Magna, magnanakaw. Nagpaka-dalubhasa, para magnakaw. Nagpaka-talino at ipinukaw. Ang sarili sa pagnanakaw...
Sa kapakanan daw ng iba kaya ito nagagawa. Tulad ni "Robinhood" na idolo ng madla. Sa diskarte at istilo, pwersahin sa daya. Gantihan ng gantihan. Sa wala namang kapala-pala...
Ano ba ang kaligayahan diyan sa pagnanakaw? Ang maka-isa ba sa kapwa o ang maka-akdaw? Marahil ay kinulang lang, sa pagkilos at pag-galaw. Tingin ko'y dahilan, ay ang pagka-inggit, na ulo niya'y sumasaklaw...
Huwag sanang sayangin, laman nitong isip. Gamitin ng tama para sa mas matuwid. Upang sa kapwa ay huwag makasakit. Baka gayahin pa ng bata, ay naku!, anak ka ng lintik!...


¥××××$€££××××¥




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento