TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Mayo 12, 2009

〈"Mak-'pi"〉



>Malapit na ang panahon sa "Election". Payo lang sana'y sa mabuting direksyon. Ang mapili nitong buong nasyon. Mabawasbawasan ang sakit sa kurapsyon. Umunlad kahit konti itong ulam sa maghapon...
Sapat na sa konting ligaya? Simpleng buhay lang ay ayos-na-ayos na. Kapanatagan ng kalooban, laging nadarama. May trabahong inaasahan, sweldo ay maganda...
Sino ba naman ang 'di gustong lumigaya. Ang makitang nakangiti, si ina at si ama. Magkakapatid, walang away, walang dusa. Mag-asawa at mga anak, nagmamahalan walang problema...
Konti lang naman aming hiling. Gubyerno ay maka-tulong natin. Sa pinaka-bagong-bagong layunin. Ang "Pilipinas" ay ayusin natin...


※※⊙◎⊙※※





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento