TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Mayo 12, 2009

◇"WAM"◇





"ㄨLasinggero kung tawagin. Araw-araw kasi'y lasing. Lalo kung gabi't maraming inumin. Andyan si "Batman" andyan din si "Robin"...
Utusan sa inuman kapag may balikbayan... Mga paldo'ng umuwi mula sa trabaho'ng pagka-"seaman". Tawag nila dito ay "Superman" at "Batman". Maraming uwing pera. Kaya, mahaba-haba ang inuman. Kailangan ng utusan, kailangan ng "WAM"...
"Walk A Mile" kung pahahabain. Taga-bili ng pulutan at dag-dag inumin. Sukli ay kanya na, sabay pitik ng pang-kain. Idadaan sa bahay, sa asawa't anak, ipapakain...
Makapal ang mukha paramakaginansya. Walang alam na trabaho, tuloy minumura nitong asawa. Alam lang ay kumantot at magpaka-sasa. At ang manghingi't mangikil, sa sino mang kakilala...




¥¥ㄨㄨㄨ¥¥





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento