TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Agosto 31, 2012

PAGBABAGO



Habang lumalaki at nagkakaisip ay may nagbabago.
Habang naglalayag at umaalis ay may nababago.
Habang tumatanda at may nakakasama ay nagpapabago.
Bago lang ang permanente sa balat ng mundo.

Kailangan ay handa sa bawat pag-ikot ng mundo.
Maiiwanan ka at malulupaan kapag wala kang ganito.
Kahit ayaw mo ay pipilitin ka nito.
Dahil walang makapipigil sa ikot ng mundo.

Wala kang magagawa dahil nilikha kang tao.
Mas mautak, mas mabilis, gamitin mo ito.
Hindi ka na mang-mang kaya dapat may trabaho.
Buhayin ang sarili para mahalin ng kadugo mo.

Buksan ang isip, buksan ang puso.
Tagumpay ay papasukin sa kaibuturan ng mundo.
Mga pagkakamali ay madaling nababago.
Upang sa huli ay palagi kang panalo.




AYOS!





..Y,






Walang komento:

Mag-post ng Komento