TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Agosto 17, 2012

GAYA-GAYA



Gaya-gaya, puto maya.
Mahilig mangopya, walang sariling ideya.
Masyadong maingay, mahilig mangbara.
Mapang-angkin sa gawa ng iba.

Galingin ng todo akala mo kung sino.
Bilib sa sarili wala namang modo.
Tirador ng kapwa pero nagbabait-baitan ang loko.
Halatang-halata naman na sobrang inggitero.

Huwag magtiwala sa ganitong klase na tao.
Kadalasa'y balik-harap ngunit manloloko.
Tumataga sa likod, pumupukpok ng ulo.
Hindi mo namamalayan, biktima ka na nito.




..Y,



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento