TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 15, 2011

<Sapi>



Tumitig ka sa mga mata ko at kita'y pa-a-amuin. Bubulong ako sa iyong tainga upang ako ay mapansin. At ako ay iisipin mo, iisipin at iisipin. Hanggang sa dumating ang panahon na ikaw ay aking maging alipin...

At darating ang panahon na ako ay magiging ikaw. Lahat ng kaalaman ko'y hinding-hindi mo ibibitaw. Lahat ng nasa akin ay mapapasa-iyo ng walang-laktaw. Magiging 'sing-init ka at 'sing-bilis ng nagliliyab na bulalakaw...


There is change in all things. You yourself are subject to continual change and some decay, and this is common to the entire universe. -Marcus Aurelius

..Y,

Walang komento:

Mag-post ng Komento