TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 15, 2011

>Kabilaan<


Gumawa ka ng mabuti sa akin at mapapabuti ka. Gumawa ka ng masama sa akin at sasamain ka. Gumawa ka ng mga bagay na sa iyo mag-gagarantiya. Gawin mo ito sa akin kung gusto mong makita ang resulta...

Sapagkat ako ay salamin, salamin ng kapalaran. Ako ang sasagot sa iyong katanungan. Ako ang katotohanan, ako ang kaganapan. Ako ang buhay ng kabutihan at kasamaan...

Sapagkat ako ay maramdamin. Tibok ng puso ang mas nananaig sa akin. Minsan ako'y parang bulkan na handang maghasik ng lagim. Minsan naman ako'y bulaklak na payapa ang habilin...

Hawa diha! Hilom diha! Sabi ng isang lalaking nasa sulok ng bangka. You know, I know., sabi namin nitong mestizong banyaga. Tataob ang bangka!, tataob ang bangka! Sabi naman nitong tagalog na mukhang maalam, harinawa...


Tumalon lang tayo at lumangoy sabi naman nitong yano na bata...

Action may not always bring happiness; but there is no happiness without action. -Benjamin Disraeli


..Y,

Walang komento:

Mag-post ng Komento