TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Oktubre 3, 2009

"marahil"



Panahon ng maglakbay sa mataas at patag. Panahon ng maghanap kung saan ang ligtas. Panahon ng lumikas at maging matatag. Upang kinabukasan ng anak ay maging panatag...

Hindi na makatuwiran ang makipagsiksikan. Hindi na makatuwiran ang away at agawan. Hindi na makatuwiran ang sanggol sa ulanan. Hindi na makatuwiran na sila ay pabayaan...

Ano nga ba talaga ang mas nararapat? Ang magtiis sa hirap at maghintay ng lunas? O ang kumilos at lumikas doon sa mas ligtas? O ang harapin ang lupit nitong likas na dahas?..

Marahil ay panahon na, mga bata ay alalahanin na. Mailayo sa panganib, mailayo sa dusa. Mailayo sa bangungot ng kasawian at aba. Mailayo sa lagim ng hindi magandang pamana...





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento