TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hulyo 1, 2009

↓"Miserable"↓



↓↓Ang pagpigil sa sarili sa gusto ng katawan ay gyera ang nagaganap sa loob ng isipan. At kung ito'y hindi pagbibigyan, hahatakin ang damdamin sa sukdulang kalungkutan...

Aba! Ina! Bai! Ina! Nabigo ako sa "chick" kong maganda. "Mama's boy" daw ako. Kasasabi lang niya. Ano ang aking gagawin. Wwwaaahhh... Maaammma!...

Tahan na anak. Tahan na anak. Lintik! na babae yon. Walanghiya! talipandas. Ang gwapo-gwapo pa naman nitong aking anak. "Halika dito bebi ko 'wag ka ng umiyak...

(Hikbi..)..(Hikbi pa..)..
Penge na lang ko gatas mama..(hikbi). Manood na lang 'ko t.v., kasi "Spongebob" na. Dito na lang ako sa bahay, ayaw ko na s'yang makita. 'Di naman s'ya maganda, may anghit pa!!..
(khe..khe..khe,.khe..)

Ganyan nga anak, tumawa ka. Hayaan mo mamaya ibibili kita. Ano ang gusto mo? "jollibee" o "mcdonald"? O baka naman gusto mo ng "popcorn" sa "goldilocks"?..


↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓

:mula sa mag-ina, sarap hagisan ng granada:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento