TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 17, 2009

◇"Sa Patos"◇




↑↓≈Pang-lakad, pang-sakay, pang-takbo, pang-agapay. Itong sapatos na matibay. Tadyak sa "North Face" mo ang pamatay...
Sa mukha mong diskriminador. Manlalait at maninirador. Nakapag-asawa ng ambassador. Sarap mong dalhin sa imbalsamador...
Tatakbo pa sa pulitika. Nakapagtapos daw sya ng abogasya. Sa "United States of America". "Cum laude" kuno, todo de bola...
Sabi ng simbahan, 'Magtika!..Magtika! Hindi mantika, kundi mag-ti-ka. MAGMAG-TITI-KAKA. Teka-teka, hindi yun, putcha!..
Buti pa'y akin na lang yang sapatos mong suot. "Jackpot"-an ka naman daw doon sa "abroad". Pahingi na rin "chocolate" at "dos mil dos". Si misis kasi buntis, kailangang maipagamot...
★Sus! Naman, ang dami mo pang sinasabi. O heto na, wag ka na dyang pahikbi-hikbi. Dami mong drama. Ang dami mong tindi. Sarili mo nga ay hindi maintindi...
'Tol naman, ano na baga ang nangyari?. 'Di ka naman dating ganyan, ang linis-linis mo parati. Gutay-gutay ka na, tingnan mo iyong sarili. Amoy alak ka pa. Ano na ba ang 'yong silbi?...
Sa 'yo na itong pares ng sapatos. Nawa'y dalhin ka sa buhay na maayos. Ilakad ka palabas, sa landas ng hikahos. At ibalik ka sa lugar, nang ligayang-puspos...

(sabay utot si Berting Kulangot habang nagkakalikot ng kuko nyang bulok)


:hango:- sa istorya ng inggiterang kapit-bahay ni Berting na si Losiana Losyang




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento