TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hunyo 16, 2009

▲"UWI-AN na!"▲




▲→Yeheey, uwian na! Tapos na naman isang araw sa eskwela. Sayang lang hindi ko nakita. Yong tayp na tayp kong karirikit na ka-iskwela...
Nabatukan tuloy ako ng titser kong mukhang buko. Sa ka-i-isip na ba't wala yung "crush" ko. Tina-tanong ako sa "question number 2". Napikon si sir sa sagot kong "Clue."...

(Tok! Um! gago!)

Pero ok lang kasi uwian na. Makikita ko na s'yang muli bukas ng umaga. Sana ay umulan para maka-sukob ko siya. Sa "super pink" niyang "little umbrella"...

(elaelaeeyey,yeheey)...

Dapat pala e, matulog ako ng maaga. Tuyo na kaya ang "uniform" ko?, naplantsa ko na baga? Heto na naman, tangang-tanga. Nalilito pag na-a-alala ka...

(ahh..ahh.. yeah..baby..yes..8x)..

:mula:- sa lumilipad na isip ni Jumo Garutoy (estudyante) ng Mababang Paaralan ng Tindayema , Dakma City, Pilipit-apanas



▲▲▲△▲▲▲




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento