TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hunyo 11, 2009

①"SO LO"①





①Solo sa buhay, walang kaagapay. Ayaw ng umibig, puso na ay patay. Madalas ay malupit. Laging naka-singhay. Malulungkutin, walang kabuhay-buhay...
Minsan ilang beses muntik magpakamatay. Uminom ng lason, tapos nagkikisay. Buti na lang may alila sa loob ng kanyang bahay. Nadala sa ospital. Muntik ng makit'lan ng buhay...
Sayang naman kung tutuusin. Biyaya niya sa buhay, 'di n'ya napapansin. Mala-palasyo ang bahay. Ano pa ang hihilingin? Nasa kanya ng lahat. Ba't malungkot pa rin?...
Marahil nga ba'ng pag-ibig ang dahilan? Marahil nga siguro? Walang tatag ang isipan? Mahina, marupok. Hindi sanay sa kabiguan. Sa isang iglap, gustong buhay ay wakasan...



:hango:- sa istorya ni aling Lucing labandera.



① $○ㄥ○ ①




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento