TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hunyo 11, 2009

¤"ALAPAAP"¤





¤Ano ang dala mo, higanteng alapaap? Bagyo ba yan? Kailan mo ipapatak? Bakit sa ibaba'ng dako?, may init, may liwanag? Wala dito ang 'yong pakay, alin, saan ka bubulwak?...
Ikaw ba'y may puso, dakilang alapaap? Hitsura mo'y kay lungkot. Para kang nilalagnat. O busog ka lang sa tubig mo'ng nasagap. Saan mo ibubuhos? Saan mo ilalag-lag?...
Padilim ka ng padilim, paitim ka ng paitim. Waring bigat-na-bigat sa dala mong pasanin. At kung oras na ibugso iyong damdamin. Hudyat na iyon! Sa paghahasik mo ng lagim!...



:hango:- sa "tripping" ni Armon Garcing



¤¤¤¤↓↓↓¤¤¤¤




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento