TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hunyo 15, 2009

¿"Not For Hire"¿




¿×Hindi na pwedeng mag-trabaho. Nasiraan na ng ulo. Sapul iwanan ng katarato. Pagala-gala na lang si Pedro...
Buti na lang nabubuhay pa. 'Di nagkakasakit, kahit madungis na. "Super"-haba nga, mga kuko n'ya sa paa. Kung titingnan mo nga, punung-puno ng "bacteria"...
Hindi pa rin maunlad itong ating bayan. Walang nag-aalaga sa mga katulad nyang bu-ang. Hinahayaang matulog sa kung saan. Umi-ihi, tuma-tae sa kung saan-saan...
Malimit, gabi-gabi. Nabu-bug-bog sya ng mga peste. Napagti-"trip"-an, ng mga siga sa gabi. Mga kabataang hayok sa puniti. Damay si Pedro sa mundong walang silbi...


:mula:- sa paningin ni Inday Kabute


××××¥××××




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento