TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hunyo 16, 2009

⊙"CLAY"⊙




⊙Magaling na ring mag-isip itong mga bata. Sinubukang magtayo ng kamangha-mangha. Mula sa "clay", kumilos, gumawa. 'Tingnan nyo naman, putcha!, walang-wala...
Eh, ano naman kung mag-mura? 'Di naman mura yon kundi ligaya. "Excited" lang naman kasi maganda. Tuwa lang yun 'tangina!...
Hehe, tawa ka pa dyan. Nakakatuwa lang mag-isip mga murang isipan. "Fantasy " ang dating. Parang "Neverland", para ring "Spongebob" o "Alice in Wonderland"...
Kung ganito sana, lahat masaya. Eh 'di walannnggg..., ka-prob-le-problema. Ganda sana ng mundo, walang pulubi sa kalsada...
"Well", ika nga'y ganon daw talaga. May mga taong gustong magpa-aba. Galing daw yon sa isang mahadera. Pag-uutangan mo, laging walang pera. Pero sa pagyayabang, 'di daw matibag kanyang kwarta...
Ang labo naman, ang layo sa putukan. Lumilihis-lihis ka na naman. Usapang bata ang pinag-uusapan, ba't napunta sa matandang-hukluban....


Aba eeyy! Awanadyan!...


:mula:- sa isip ng isang inaantok na kanina pa gustong matulog na di naman makatulog dahil malamok... Putcha! Uh!


^^^^¥^^^^




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento