TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Mayo 25, 2009

》"1 Box na Pag-ibig"《





ㄖIto lang ang kaya ko. Isang "box" na pag-ibig. Wala ako'ng mansyon, 'wag mo'ng ikagagalit. Mga panis ko'ng pangako. Katangahan pa ang siyang ninais. Mabulaklak lamang bibig ko at pag-iisip...
Wala ako'ng puwang sa kasaganaan. Duwag kung ituring, ayaw ng lumalaban. Madaling magupo nitong kasarinlan o talaga lamang alipin ng kapayapaan...
Ituring mo na lang ako'ng isang masamang bangungot. Kung titingnan ay maamo. Ngunit sa loob ay salot. Lumayo ka sa akin. Ako'y isang ugok. Maraming sakit na hindi nagagamot...
Parang bata na walang kamuang-muang. Hindi alam ang nangyayari sa kapaligiran. Walang paki-alam kung may nasipa o naapakan. Tanging alam lang ay pumunta sa kung saan. Kahit wala namang kasiguruhan...


¤←↑≈°◎°≈↓→¤



China Service Mall


.



.
China Service Mall

1 komento:

  1. acyatan.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading acyatan.blogspot.com every day.
    online payday loan
    payday loan

    TumugonBurahin