
Ano kaya'ng pinag-uusapan nitong dalawa'ng bata? Ano kaya'ng nasa utak? Ano kaya ang huna-huna? La-laki kaya sila'ng may pagmamahal sa madla?. Naka-salalay sa kasalukuyan ang kanilang hinaharap. Kung ano ang nakikita. Gagayahin buong palad. Masama man o mabuti? Wala sila'ng hayag. Ang sa kanila lang ay matutunan ang lahat... Mapusok at agresibo ang kilos ng ka-bata-an. Walang sinasanto. Lahat sinusubukan. Malikot ang isip. Bugnutin kung minsan. Laging naghahanap ng pang-ka-unawaan.. Gabay..,gabay.. Sampung-taong gabay. Lima'ng taong pasaway. Tatlong taong nakikipag-away. At lima pang taon para gumarutay... Sige lang bata. Tuloy hangga't bata. Habang panahon ay 'di tumatanda. Sa iyo ang mundo, hataw at magpaka-sasa. Huwag lang kakalimutan, ang susunod mong kabanata. ♀★△☆◆○◆●★△♂

China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento