
Dito sa ika-tatlo'ng libo'ng talampakan ay sariwa ang hangin. Malamig-lamig na sa hininga ay gumi-giling. Marami ang ibon sa mga puno'ng magi-giting. Maha-halina ka sa ganda ng tanawin. Madali lang tumubo, ito'ng mga pananim. Maki-kinis ang bunga sa puno ng saging. Hindi bina-bagyo, walang malakas na hangin. Maging ibang prutas nag-bu-bunga kahit hindi pina-pansin.. Tingnan sa paanan sari-sari'ng bulaklak. Iba't iba ang hugis, kulay ay 'di ma-ipaliwanag. May matangkad, meron ding kapa-pa-pandak. Ganoon pa man, maganda sila'ng lahat... At kung sa gabi'y iba ang tanawin. Kumi-kislap na ilaw, nag-kalat sa hardin. Sumasayaw, gumagalaw, parang kumu-kendeng-kendeng. Sa saliw ng tunog nito'ng kulig-lig na nag-lalambing... Banaag din ito'ng mga ilaw sa syudad. Naka-helera'ng pahaba, pabilog at parisukat. Kumu-kuti-kutitap mga anino sa dagat. Parami ng parami. Habang lumalalim ang oras... Sumusuot na sa buto itong lamig. Mabuti pa'y magmedyas, mag-doble ng damit. Kasu-kasuan ko'y dahan-dahan ng nangi-nginig. Kay sarap nang matulog, kay sarap nang managinip. △★☆▲○◇◆◎▲△

China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento