TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Abril 15, 2009

¤- TINDAHAN -¤


Marami nito dito sa Pilipinas. Kahit saan sulok, gutom ay may lunas. Lumayo ka man o maglayag. May tindahan. Sa gilid man o sa tapat... Sari-sarì ang 'yong mabibili. Balot-balot, patingi-tingì. Merong sabon, meron ding kapé. Meron ding gasul at may walis na buli.. Hindi mo na kailangan pa na mag-atubili. Andiyan lang gilid, andiyan lang sa tabi. Lahat yata ng kailangan mo, sa araw man o sa gabi. Nasa tindahan, nasa sari-sari. Huwag lang kakalimutan na magdala ng pambili.. ☆★△▲♀♂▲△★☆








China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento