
Masdan ito'ng pigura. Ano ang iyong nakikita? Siksikan!, ang gulo!, parang sardinas na de lata.. Ang dami'ng naka-hubad, bata man o matanda na. Marami'ng aso, pusa, daga sa kalsada. Ang dami rin'g lasenggo'ng nag-iinuman sa delantera.... Sala-salabat na kuryente. Sala-salabat na antena. Dikit-dikit na bahay. Akala mo'y hinalukay. Tagpi-tagpi'ng tarapal, ng mga pulitiko't mga banal.. Naka-balagbag, sa ilog na nag-mistula ng imburnal... Mag-iina, mag-aama, nag-aaway-away.., na'ng wala'ng pahinga. Butasin mo lang ang ding-ding..., nasa kalapit-bahay ka na... Palagi'ng may gulo.., palagi'ng may nakawan.. Palagi'ng may sunog.., sa kaloob-looban.., Patay dito!.., Patay riyan!.. Ganoon pa man.. Puno pa rin ito'ng kakalsadahan... Ito ang lugar na kung saan, tuloy ang buhay sa pakikipagsapalaran. Gaano man kahirap.,, pilit ito'ng lalabanan. Malagyan lamang.., tiyan na kumakalam... Sa tingin mo ba? Ano ang kulang? Baka naman labis? Kaya hindi maintidihan? Ang problema. Andyan na yan. Makiki-alam ba? o hahayaan na lang... Na sa kabilang banda..e.. Parte pa rin nitong ating lipunan..
▲△★☆♀♂☆★△▲

China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento