TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Abril 10, 2009

△'Sabado de Gloria'△


Patay ang Diyos kapag 'sabado de gloria'... Ngano't 'tong iba'y nag-papaka-saya. Nag-sasayawan..., hanggang sa umaga. Salubong daw 'yon!., sa muling pag-ka-buhay. Galing sa langit, dumaan sa impyerno, nitong mga patay. At muling babangon, para tayo'y i-gabay.... Kung pa'no mag-tika..., kung pa'no magmahal..., nang tunay... Hindi kailangan lubos na pag-samba..?.. Tularan lang ang puso nitong tao'ng abà. Mag-aruga at mag-ahon..., 'tungo sa ligaya.... W'lang dapat iiwan..., w'lang dapat mangamba...
Totoo ba ito? O kwento-kwento lang? Baka nag-la-laro lang.., ito'ng malawak na isipan?.. Paku-kulong ba?.. sa inulit na kasaysayan?.. O patuloy na mag-hahasik, lagim sa karimlan.?,... Nasaan? Nasaan? Nasaan na? Ang walang hanggang buhay nang kapanatagan...
△△△▲▲▲★◇♀♂




China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento