TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Abril 10, 2009

'.Kulay.'


Ano ang kulay ng mabango'ng amoy? O ang nag-liliyab na yelo na sa hangin ay lumalangoy?.. Ano ang kulay ng pag-ibig nitong isang palaboy? Ano ang kulay ng budhi nitong inosenteng ba-tutoy? Ano ang kulay ng patay?... Ano ang kulay ng bu-hay?.. Ano ang kulay ng bahay?,, nitong iyong talam-buhay?...
Ano kaya ang kulay..., doon sa kabilang-dako? At sa kabila-bilaan pa nitong pagka-daku-dako? Ano kaya ang kulay niya? Ano kaya ang buhay niya? Ano kaya ang ginagawa niya?,, nitong Diyos na 'IPINAKO'.



China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento