TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 13, 2018

Ikaw


Busilak na kagandahan na hindi napapansin ng karamihan.
Mas banaag nila ang ikinulay sa labi, pisngi at sa mga matang malamlam.
Mas pinili ka nilang makilala sa panlabas sa kaanyuan.
Kaysa tunay mong ganda at dalisay na katotohanan.

Isa kang diwata, isa kang luwalhati.
Isa kang diwa na sa isip ko ay namumutawi.
Isa kang diyosa sa pusong nagdadalamhati.
Isa kang kasagutan sa mga salat sa pagwawagi.

Pangarap ka na mapasa-akin.
Dalangin ko na ikaw ay makapiling.
Kahit isang saglit, mayakap at makaniig.
Sa liwanag ng buwan at sa gabing kay lamig.

Walang komento:

Mag-post ng Komento