TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Agosto 18, 2016

Kaibigan


Meron akong kaibigan, na hindi ko makalimutan.
Sapul nang magkahiwalay kami ay hindi na kami nagkaintindihan.
Matagal na kaming hindi nagkikita, higit sampung taon na ang nakararaan. Hindi kami nagka-ayos. Wala ng balitaan.

Nagka-away, nagkasiraan. Nagkatampuhan, muntik nang magkasuntukan. Nanaig ang yabang, nanaig balitaktakan. Hanggang sa umabot na parehong talunan.

Lumala ng lumala, hindi na nagkasundo. Lakip ang sakit tagos hanggang buto. Damay pati ang iba, hindi na nagpagupo. Putang-ina mo!, ang naghari sa puso.

Sino ang magpaparaya? Sino sa amin ang susuko? Sino ang magpapakababa upang galit ay magupo. Sino ang may sala? Sino ang yuyuko? Panahon na ang magsasabi kung meron pa bang pagsuyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento