TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Pebrero 22, 2014

Paulino Alcantara


Marami sa atin ang hindi nakakakilala sa kanya.
Matagal na kasi kaya hindi na maalala.
Pero napakalaking bagay na muli siyang ibida.
Lalo na kung ikaw ay Pilipino, tiyak na hahanga ka.

Panahong 1912 simula siyang bumida.
Hanggang 1917 doon na sa Barcelona.
"Great Footballer" ang tawag sa kanya.
At "Netbreaker" naman ang ibinansag ng iba.

Dugong Pilipino, ipinanganak sa Iloilo.
Isa sa pinakamagaling kaya madalas nananalo.
Kung kilala mo si Messi, kilalanin mo rin ito.
Dahil siya ang una sa Barcelona na nagdala ng maraming kampionato.





..Y,



1 komento:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin