TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Setyembre 3, 2013

Bahaghari


Merong bahaghari sa aking ulunan.
Ito ang aking gabay sa bawat patutunguhan.
Isa rin itong daan ng kadakilaan.
Kaya hindi ako nakakalimot sa dakilang lumalang.

Gamit ko ang dunong sa tamang paraan.
Nang walang pag-abuso sa bawat natutunan.
Ibinabahagi ng walang pag-aalinlangan.
Upang sa huli ay may ibang makinabang.

Sana ikaw din pareho tayo ng tuntunin.
Sana ikaw rin pareho tayo ng layunin.
Sana ikaw rin pareho tayo ng adhikain.
Nang dumami naman tayo'ng may puso'ng butihin.


..Y,









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento