TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Enero 19, 2012

Maligayang Bagong Taon

 

 

Capturemandala

 

Maligayang bagong taon sa iyo at sa lahat.

Harinawa ay puspusin ka ng pagpapala mula sa itaas.

Masalo mo nawa ang kagandahan ng bukas.

At malugod mong salubungin ang bagong taon na may lakas.

 

Taon ngayon ng makapangyarihang dragon.

Taglayin mo ang kabutihan nitong nakalipas na taon.

Hawak mo sa iyong kamay ang biyaya ng panahon.

Isabog mo sa madla ang pag-ibig na tulad ng ambon.

 

Ikaw ay pag-asa ng mga nananalangin.

Ikaw ay huwaran ng mga taong naninimdim.

Ikaw ay kasagutan ng mga humihiling.

Ikaw ang nagmamahal sa mga malulungkutin.

 

Bagong taon, bagong buhay.

Yakapin ang kapwa ng buong dalisay.

Pagsinta mong wagas buong puso mong ialay.

Upang makamit ng lahat ang pagkakapantay-pantay.

 

 

 

Compassion is the basis of all morality. –Arthur Schopenhauer

 

 

..Y,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento