TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Nobyembre 27, 2011

Mandala

Captureelem2

Tayong lahat ay merong ganito.
Para itong sinag na nasa ulo ng mga santo.
Para rin itong sinag ng tubig na nagyeyelo.
Ang tawag dito ay Mandala, hindi kabanalan ngunit sagrado…

Maging ikaw na nagbabasa ay meron din nito.
Dahil sa iyong katawan ay may lumalagak na espiritu.
Kilalang-kilala mo siya walang iba ikaw ito.
Ang bumubulong sa iyong isipan, yuon ang Mandala mo….

Hindi ito nakikita ngunit nararamdaman.
Ngunit may mga tao na nakakakita nito mula sa kanilang isipan.
Maging sa panaginip ay kanila itong namamalayan.
May iba pa ngang naisusulat ito at nakukulayan….

Kung gusto mong malaman ang kulay ng Mandala mo.
Maghanap ka ng taong may abilidad sa ganito.
Araw ng kapanganakan ang itatanong niya sa iyo.
Saka kung ilan taon ka na at kung ano ang kasarian mo…

Captureself

Wala nang iba pa katulad nitong kay Lamberto..

mandala1
Mandala is a Sanskrit word meaning totality.
From the word Manda meaning essence.
Adding la to any Sanskrit word becomes the vessel.
Revealing Mandala as a
Vessel For Essence
or
Container For Energy or
Vessel For Spirit.

..Y,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento