TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Setyembre 30, 2011

¤Relativity¤



May gusto akong sabihin pero di ko masabi. Gusto ko lang magsulat ng mga salitang di ko pa nasasabi. Kaso ay hindi magaganda kaya huwag na lang kung pwede. Iba na lamang ang pagtutuunan, yung lapitin ng swerte...

Isip, isip, tumingin sa paligid. Baka may maka-agaw ng pansin kahit sa sandaling pihit. Sa mga tao, sa halaman o sa aking mga daliri. At sa sampung mga dalagang dumaraan sa isang damakmak na mangbu-bwisit...
Wala pa rin pero okey pa naman. Nakapagpalipas ng oras habang ikaw ay inaabangan. Dahil kulang ang araw kapag hindi ka nasilayan. O aking Emdyey, anong oras ka dadaan...


When you sit with a nice girl for two hours, you think it's only a minute. But when you sit on a hot stove for a minute, you think it's two hours. That's relativity. -Albert Einstein



..Y,


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento