TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Mayo 16, 2011

△Mingaw△



Dapit-hapon na naman. Lalabas na mamaya ang buwan. Huwag lang munang uulan at bituin ay matatakpan. Kahit ngayong-gabi lang ako ay pagbigyan...

Dahil ako'y nag-iisa nalulungkot walang kasama. Kahit man lang mga bituin ay akin silang makasama. Sa pagmumuni-muni nitong mga ala-ala...


Love doesn't make the world go round, love is what makes the ride worthwhile. -Elizabeth Barrett Browning



..Y,


1 komento:

  1. Isang maikli subalit napakagandang katha..

    Namimiss ko na ulit ang gumawa ng mga ganyang linya.

    Salamat at napadaan ako dito.

    TumugonBurahin