TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Setyembre 16, 2010

¤"agong house"¤




Pumunta ako sa banal kong kaibigan. Mapagmahal, mapagkalinga. Alagad ng kabutihan. Damang-dama ko ang pag-ibig sa buong kapaligiran. Sa hangin, sa lupa, maging sa aking kaisipan...

Mas masarap talagang gumawa ng mabuti. Bumubusilak ang mundo, kagandahan ang ganti. Sa bawat dumadalaw ay nabibiyayaan ng buti. May ngiti sa mga labi na 'di masabi-sabi...

Harinawa'y makarating ka rito. Dito sa 'agong house', ikaw ay panalo. Kulang ka ba sa pag-ibig?, pumasyal ka lang dito. Sa pusod ng Kapatagan, matatagpuan mo ito...









Ayus! Damahin mo ang pag-ibig... - Kublai



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento