TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Agosto 2, 2010

± psst... puso mo! ±




Sa bawat kabutihan ay may katumbas na mabuti. Pagmasdan mo ang 'yong paligid, damahin ang "energy". Kung "positive" o "negative" ang "feel" mo'ng "harmony"...

Kung hindi, ay 'di...

Lagim at pighati sa bawat lupit ng damdamin. Ang nagpapahirap sa kapwa ay may lungkot na daranasin. Ang mapagmalabis sa utos ay masahol pa sa bulating ipinapain. Maka-sarili sa desisyon na wala namang ibig sabihin...

At may sadyang nilikhang walang layunin. Pang-gulo lamang para lamang mapansin. Gagawin ka niyang tanga para siya ang magaling. Hindi maganda yon kaibigan, huwag na huwag mong gagayahin...

May kilala akong magaling mangbilog ng ulo. Hindi ng ulo niya kundi ulo ng ibang tao. Kayang-kaya niyang pag-bali-baligtarin ang bawat artikulo. Ang galing-galing nga eh., napakatalinong-bobo...

Buti na lang may panahon pang mag
magbago. Hayaan na natin silang nagma-madali papuntang impiyerno. Gumagawa ng problema para sa mangmang na mga tao. Sinusunog na'ng mga bituka sa dila ng mga demonyo...




Love is all we need.-John Lennon



:-*



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento