TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Pebrero 26, 2010

Bangkusay




Parang kailan lang mga naglalaro sa lansangan. Dala-dala ay bola at sari-saring laruan. At nang magbinata ang hanap ay liligawan. Nang magsitanda, hanap na ay inuman...

Dahil ngayon lang muli, muling nagkita-kita. May mga puti na ang buhok ang iba ay nakalbo na. Meron din namang hindi nagbago ang hitsura. Ang iba nama'y nangagsipanaw na...

Masarap balikan masasayang nakaraan. Parang kailan lang na para bang kahapon lang. Wala namang nagbago sa mga puso at isipan. Ganoon pa rin ang pag-uugali ng mga kabarkada't kaibigan...

Magdamagang kwentuhan na parang 'di mauubusan. Sistihan, galitan, walang humpay na tawanan. Kasasaya, kaiinam, nang muling magkita-kita itong magkakaibigan...


®

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento