TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Nobyembre 25, 2009

"tuklasin"



Tuklasin ang buhay ng mas pa busilak. Yung may pagpapahalaga at respetong pagliyag. Huwag papalason sa gahamang galit ng mga duwag. Kapayapaan ng isip at puso ang pinakamahalaga sa lahat...

Aanhin ba ang karangyaan kung may bakod ng karungisan? May pagmamahal pa ba kung poot at galit ang aasahan? Katangahan ba ang gugunaw sa templo ng karunungan? Ano na ba ang saysay ng ngayon at kasalukuyan?...

Bawat kilos at galaw ay may katumbas na batas. Kung saan merong hangin, doon lumalanghap. Kung saan merong init, doon may lumiliwanag. Kung saan merong takot, may lagim na lumalaganap...

Tuklasin kung nasaan ka, sino ka at ano ka. Tuklasin mo iyan, ito at yaon pa. Tuklasin mo siya, ako at sila pa. Tuklasin mo ang lahat ng mahinahong walang-dahas.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento