TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Oktubre 6, 2009

"I SE W880i"



Maraming nagtatanong kung ano ang gamit ko sa "blog". Marami rin na hindi naniniwala na ito ang gamit ko sa "blog". Ito talaga walang bola walang lag-lag. Heto ang "picture", kulang pa ba sa paliwanag?...

O sige, heto pa ang dag-dag. Madali lang kasi, saan man 'ko mapadpad. "Instant" "access", ando'n na agad. Ano man ang makita ko, ano man ang ma-isulat...

Mas makatotohanan, kung ito'y isang bagsak. Mas nararamdaman ko ang tunay na nagaganap. Mas malawak ang unawa at ang laya ay sagad. Mas nadarama ko kung ano ang gustong sabihin ng gumaganap...

Ang malalim at mababaw sa akin ay pareho rin. Ang mas importante ay kung papaano mo ito gamitin. Kung makaka-sama ba ito o makabu-buti sa atin. May halaga ba ang bawat bagay kung iyong iisipin?...

Huwag mo na lang isipin kung hindi mo kaya. Ang importante ay marunong kang magbasa. Kasunod na niyan ay ang umunawa ka. Ang maintindihan ang lahat, bago man ito o luma na...

Wala ring bata, wala rin matanda. Ang pinagkatandaan ay babalik sa pagkabata. Maging laro man ito o alay ng tadhana? Tuloy lang ang kilos, dahil isa ka sa itinakda...

Maging ako ay ganon din. Maging itong "blog" ko ay itutuloy ko pa rin. Kuhit humina na ang tenga at lumabo ang paningin. Tuloy lang ako sa pagba-"blog", kahit pa maging ulyanin...



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento