TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Agosto 30, 2009

"ang kinabukasan"



"Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan." Ang sinabi ng isang bayani na sa Luneta ay pinaslang. Oo nga naman, tingnan mo nga naman. Bakas sa kanilang mukha, ang magandang kinabukasan...

Kung ganito ang lahat ng bata sa buong mundo. Pinag-aaral ng walang bayad, hanggang sa matuto ng respeto. Uunlad ng walang dahas, malamang ang buhay ng tao. Maging ang paligid ay maayos, panatag at walang gulo...

Edukasyon lang marahil ang tanging daan. Ngunit kailangan lang ay walang maiiwan. Lahat ng batang nasa bundok o nasa lansangan man. Ay mabigyan ng halaga sa edukasyong inaasam...

↑↑↑

Walang komento:

Mag-post ng Komento