TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Hunyo 13, 2009

→⊙Guhit-Anak⊙←




→⊙Iguhit mo ako ng sarili kong mukha. Ayon sa iyong ibig, ayon sa iyong katha. Ano ang nakikita sa hugis nitong linya? Mga mata ko ba'y may bintana ng kaluluwa...
May palatandaan, na tumatanda na. Mga guhit sa noo, bahagya ng nakikita. Maging itong buhok wari ko'y numinipis na. May puting-buhok na rin, sa balbas ko makikita...
Ano pa ba ang nabago? Iguhit mo o' anak ko. Kunot sa noo, iyo nang dinibuho. Mukha yata ang tingin ay kay layo...
Magaling ng gumuhit, itong aking anak. Mas magaling pa sa akin. Ako ay nagagalak. Tingnan ko nga naman. Parang 'di maka-payag. Kuhang-kuha. Swak-na-Swak...


:hango:- sa guhit ni Ute


→⊙⊙⊙←




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento