TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hunyo 12, 2009

"KALAYAAN 111"




※Isang daang taon at labing isa na. Edad ng kalayaan ng bayang sinisinta. Pilipino kaya ngayo'y may pinag-iba? Kina Rizal, Bonifacio at Gomburza...
Tunay na ba'ng tayo ay malalaya? Pinalayang umalis, kumayod sa ibang bansa. Mga iniwan sa Pilipinas, umabuso, lumalala. Naging gahaman mula sa pera mong ipina-ubaya...
Diskriminasyon, madalas nating ini-aangal. Matagal na ito, panahon pa ni Rizal. Pag napintasan tayo nasasaktan ating dangal. Ngunit tayo rin nama'y pintasero ang asal...
Kung maka-halakhak ay para ding ugak. Kung maka-titig. Akala mo'y manyak. Nagkalat ang tambay, bote ng alak ang hawak. Kung ito ang kalayaan, iyo pa bang ikagagalak?...



:hango:- sa panayam ni Kapitan Putik

※※★★★※※




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento