TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Mayo 9, 2009

"△Halimaw sa Dilim△"




"△Huwag lumabas ng bahay kapag lumalim na ang gabi. Naglipana ang mga halimaw diyan lang sa tabi-tabi. Nag-aabang ng mabibiktima. Nag-iintay ng mapupuniti...
Kalat na ito sa buong syudad. Handa silang pumatay lalo na kung duwag. Mga mahihina'y kanilang sinusuwag. Kikitilin ang buhay, lupit nila'y ipalalasap...
Kukunin nilang lahat, alahas mo at salapi. Pag 'di pa sila nasiyahan., puputulan ka ng ari. At kung babae kang walang laban, walang wari. Sumigaw ka na at umiyak, dahil wawasakin ang 'yong puri...
Mga halimaw sila'ng nilikha nitong ilog. Ilog ng imburnal ng mga gusgusing musmos. Kaya ng lumaki, pinabayaang maging busabos. Ngayo'y kumikitil naging halimaw sa lunsod...


ㄨㄨㄨ≠≠≠ㄨㄨㄨ




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento