TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Mayo 28, 2009

●"B GO"●





●B Go , bigo... Bigo na naman sa pag-ibig. Palagi na lang umiibig. Ngunit sa iba'y 'di maibig...

●●Ba't 'di mo subukang mag-suot ng damit. Magsuot ng sapatos saka ng bagong "brief". Mukha ka kasing gulagulanit. Bulok pa ang kuko at 'di nag-aahit....

●'Di pa kasi nagpapadala si erpat, si "mommy" naman talo sa barat. Si ate inasawa ng parak. Mag-intay lang ako, baka may pera na bukas...

●●Tsk,tsk,tsk.
'di kaya panahon na. Para kumilos ka na. Maghanap ng trabaho. Kumita ng pera. Alam mo naman na karamihan sa kanila. Pag may regalo., may pag-asa ka na.

●Naku! Ginawa ko na yan. "O.J.T." pa ko n'on, hindi swelduhan. Ang dami nga'ng utos. Alila ni sino man. 'Tang'na p're., 'wag na lang...

●●Kaibigan, 'di kita masisisi. Ikaw yan, ikaw na ang may sabi. Pero sa ngayon, wala akong silbi. 'Di kita mapapa-utang, nakipag-"date" ako kagabi...



●●●→◆←●●●




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento