TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Mayo 10, 2009

ㄨ"20HUKOM11"ㄨ





ㄨMalapit na daw sumapit ang hukom. Huhusgahan raw tayo mula sa ating pag-tugon. Sa gawaing araw-araw. Tulog ka man sa mag-hapon. Isasalang sa pilahan. Upang sagutin bawat tanong...
Sa impyerno ka kung ika'y ubod-sama! Ipapalamon sa apoy na dambuhal. Kung mabait ka naman, sa langit magpasasa! Lahat ng gustuhin ay lalapit na lang kusa...
Walang mawawala kung ikaw ay maniwala. Wala ring mawawala kung hindi ka maniwala. Sa mga sabi-sabing sinulat ng mapang-likha. Sinulat ng mga banal. Na ikinagalit ng mga hangal...


ㄨ△☆◇○◇☆△ㄨ





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento