TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Mayo 24, 2009

ㄨ"Ayaw"ㄨ





ㄨAyaw na ayaw nang muling makita pa. Pakiramdam ay delubyo't kawalan ng pag-asa. Bagamat itong isipan, hindi nagbubura. Ano man itong danasin, lahat ng ito ay ala-ala...
Lahat tayo ay may kahinaan. Lahat tayo ay may kakulangan. Simula bata hanggang sa mabuo ang isipan. Kulang ang buhay kung lahat gagampanan...
Ikaw ay tubig. Ako ay apoy. Hindi pwedeng pagsamahin. Pagliyab ko'y natataboy. At sa tuwing magdidikit. Napapaso ka sa aking dibdib. At sa iyong pagkakainis, ibinuhos mo'ng lahat tubig mo'ng pagkalamig-lamig...
Kulang na kulang upang ikaw ay tapatan. Kaya mas minarapat na lumayo na lamang. Doon sa lugar na malayo sa katubigan. Kung saan ang liwanag ko'y lumiliyab, dumadarang...



←♀¥ㄍㄇㄓ♂→




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento