TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Mayo 23, 2009

●"Pagod"●





●Matapos ang trabaho'ng maghapon at magdamag. Kapag napahiga ka'y walang kasing sarap. Tuloy-tuloy sa pagkakatulog. Ngunit ang isip tuloy sa pangangarap. Sa bilis ng pangyayari, sari-sari ang lumalabas...
Minsan 'ando'n, minsan 'and'yan. Mabilis na kilos, hindi masundan. Halo ang "action", drama, "with sex and science". At nang magising?, parang ang dali-dali lang...
Parang wala lang.
Ngunit naghihinayang. Gusto pa'ng ituloy. Ngunit sadyang hanggang do'n lang. Hindi na pwedeng i-"forward" , hindi na pwedeng i-"rewind".
Mamumulot sa bawat eksena'ng natandaan...
Ito'ng panaginip, magaling din mang-inis. Parang mga demonyo'ng, bubulong-bulong, kikiskis-kiskis. Minsa'y nag-aanyong anghel na bubungi-bungis-ngis. Nilalaro-laro pagod-na-pagod ko'ng isip...


>→↑≈⊙≈↓←<



China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento