TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Mayo 20, 2009

±"Map 01"±





±Alamin ang lugar na iyong tinitirhan. Alamin ang paligid, alamin bawat daan. Kilalanin bawat taong sa tapat mo'y dumaraan. Kapit-bahay ay alamin mga kani-kanilang pangalan..
Kung ika'y nakatira sa bahay na dikit-dikit. Walang kalsada, puro eskinitang makikitid. Asahan mo na ikaw ay malapit sa panganib. Tulad ng sunog. at nakahahawang galis...
Kung ang bahay mo nama'y malapit sa ilog. Ingat ka sa tag-ulan, lumalaki ang agos. Kumakain ng lupa kung walang tigil ang buhos. Makiramdam ka na't baka pati ikaw ay maanod...


±±±±±±±±±±



China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento